Chill lang muna before the school starts

Nagpa-kulay na ako ng brown! Lolkidding. Di ko pa din alam kung anong color papa-ombre ko 😮 or kung magpapacellophane nalang ako. Magsstart na yung classes ko sa monday (actually wala akong pasok sa monday haha) tapos hindi pa din ako nakapagpa-color or something. Di ko pa din alam gagawin ko sa buhok ko k haha!

Hinatid ako ni Dad papuntang school kasi magbabayad ako ng tuition kanina. Haha cash kasi kaya ata ako hinatid kasi pwede naman ako magcommute. Hahaha! Anyway,  grabe walang pila, actually meron pero 5 lang kami. Hahaha sana ganon lagi pag magbabayad na kasi minsan super haba ng line. Then pumunta kami sa Mcdo, Pontevia, super late lunch hahaha mga 2 na ata non.

Medj nagsawa na ako sa Mcdo kaya yan lang inorder ko. Hahaha! At hanggang ngayon hindi pa din ako nagffries ❤ (magfofour months na kaya) And tnry ko yung iced coffee nila. Hindi naman ako nadisappoint ❤

Ganda ng Mcdo nila, or nagandahan lang ako kasi wala pa masyadong buildings and commercial area or restaurant sa tabi nila. Hahaha ❤ and I lurve their lamp haha!

My cousin! Haha oha baka kasi magsawa kayo sa mukha ko, para maiba naman diba? Lol.

Then after non, we went to Resort World :-)) Nag-game zoo kami and nagvideoke =)))) Oo mahilig sa videoke family namin kasi hahaha! At grabe sa game zoo, 120php/30mins yung videoke. Hahaha k lang ganda kasi ng room and air-conditioned naman. Pero dati kasi hindi naman ganon parang 12 php/song ata hahaha idk I forgot na. Pero sabagay lahat naman nagmamahal. So tanggap ko naman. Then my cousin and I watched What To Expect When You’re Expecting. Sa Cinema 1 kami. Fuck yeah lazy boy, unli popcorn, unli drinks! Oh mah gah, I lurve it when I use the buzzer hahahaha! ❤

\

Yeahp, livin the good life! ❤ lolkflyyy

Then sinundo namin sina kuya and Trish sa house, kasi gusto ni Dad sabay kami lahat magdinner. Sa Seoul Fusion, BF kami nagdinner.

Lurve lurve their food 🙂 I just lurve korean food. Haha!

I bet kuya enjoyed his food. Haha!

Advertisements

Okay, I didn’t really clean my room. I think organize is the right term lol. All of my papers, books, materials and accessories kasi are on my tables =)) so kailangan ko na ayusin lahat before the school starts, sa monday na kasi pasukan namin. Huhuhu lol parang di pa din sanay eh, actually k lang, mas gusto ko maging busy eh. Hahaha nakakamiss kaya 🙂 naglagay na din ako ng pictures sa cork board ko para masabi lang na ginagamit ko hahaha sabi kasi nina mom and dad “nagpabili ka ng cork board, di mo naman ginagamit.” Lolkbye sorreh na haha!

Hindi ko inaayos yan :-)) Inaayos ko lang yung shoe rack ko pag pinagalitan na ako ni mom haha okaaay 😐

I used this cabinet panglalagyan ng mga materials ko then kanina narealize ko kanina lang, oo kanina lang talaga na pwede ko pala ihang yung iba kong mga bag so hinang ko na hahaha oha galing ko forever lol. Sorry naman ang gulo ng mga gamit ko forever 😦 hahaha

For temporary lang yung tv huh. Hahaha summer kasi lol.

You guys should clean your room and get organized na din before the school starts!! 🙂 xo

Hooray for today!!

Nag-over night ako kina Dana kagabi. Then kanina we went to Benilde, sinamahan ko siya mag-enroll. Then we went to MOA after then went shopping then nagutom na kami so naisipan namin kumain sa Tokyo Cafe 🙂

Hindi rin kami nagtagal o nakapagkwentuhan sa Tokyo Cafe kasi nakakaloka yung mga koreans na tumabi samin. Hahaha walang awa eh talaga tabi kung tabi mukhang kabarkada kami sobrang close nila samin ni Dana as in hindi nila sineperate yung table nila sa table namin haha! Tapos tinuturo lang nila food namin grabe super awkward moment sa buong buhay ko! Hahaha! So nagtakpout na kami at umalis na din agad then naglakad lakad at naisipan namin manood nalang ng movie habang inaantay namin si Mom sunduin kami.

So Dana decided na we should watch The Cabin In The Woods. Hahaha oo si Dana lang ang nagdecide. Napanood na kasi namin the Avengers, so wala naman akong choise actually meron pero mapilit lang talaga si Dana kasi hindi talaga ako mahilig manood ng nakakatakot or disturbing na movies haha oo matatakutin ako. Kalowka, so super weird ng concept ng movie at super disturbing non. Hahaha wag niyo na panuorin chos! :-)) Okay naman pero seryoso ang weird kasi hahaha or di lang talaga para saakin, parang moral lesson doon for me is you can use bong and smoke lang ng smoke ma-iimmune ka sa mga ibang bagay lol at okay lang ma-high something like that hahahaha! Seryoso yun yung natutunan ko sa movie =))))

At habang inaantay namin magstart yung movie nag-ikot lang muna kami ni D at nag-picture lol.

Yeahp, I have the weirdest fashion sense ever kbye~

Anyway, pag dating ni mom sa moa, we bought the monopoly deal deck sa toy kingdom, dahil sinwerte ako meron silang stock hahaha then I bought mom a mini birthday cake lol then nag-gong cha kami ni Dana habang inaantay si mom kasi may binili lang siya and then we brought Dana home. Grabe whatta day, I lurve it. Thanks Dana! I had fun :-))

x Nadine

Love kasi kami masyado ng tito namin haha!

Di ko to kailangan…..ngayon. Siguro pag naubusan na talaga ako ng load. Naka-plan naman ako sa Globe eh at lagi ako may extra load. Pero baka kakailanganin ko din siya hindi ko nga lang alam kung kailan yun. Haha! Minsan kasi tawag lang ako ng tawag o text ng text, hindi pala ako unli or something o minsan nakakalimutan ko sun pala natatawagan ko todo chika naman ako hahaha. Kaya minsan nawawalan din ako ng load pero bihira lang naman dahil sa aking katangahan haha.

Give away yan ng tito ko. Lol birthday niya nga eh tapos namigay siya ng mga load hahahaha iikot siya tapos magtatanong “Smart ka o Globe?” Hahaha taray! Hindi naman siya nagwwork sa Globe or Smart o kung saan pa man. Siya yung pinaka-generous kong tito eh. At super baet at mahilig magshopping para sa mga pamangkin niya. Sweet niya super ❤ Tapos ayun nga sagot naman ako ng “globe”! Kahit hindi ko alam kung pwede prepaid load kahit naka-plan -___- sayang naman. Haha pwede nga ba prepaid load pag naka-plan? 🙂 Kasi kung hindi……..

Discipline is the key

I’m actually disciplining myself. And yes, I wanna lose weight. Lose weight for me, not for you or for the guy I liked or for anyone, just for me. I just like it na it came from me. I mean the decision. I don’t like it kasi when it came from another person to go on a diet and exercise and all that shit. Man, don’t tell me what to do. I’ll do what I wanna do and when I wanna do it. Just wait for it. Lol. So here I am doing eveything I can just to lose weight. Calorie counting, drink a lot of water, eating healthy, drink a lot of water, no more junk foods, drink a lot of water, exercise every morning for almost a month and drink a lot of water hahaha. I just wanna share it to you guys. I’m really proud of myself. Hihi syempre may progress naman kasi.

Ayoko na kasi, nakakasawa na din. Complaining na super taba ko and doing nothing about it. It’s just plain stupid. Pero una din kasi, excuse ko, mahal ko sarili ko, kahit ganito ako dapat mahal ko pa din sarili ko, so thinanggap ko nalang din. Pero syempre napa-isip ulit ako na kung mahal ko talaga sarili ko, edi dapat magpaka-healthy ako. Hindi yung ginagago ko nalang sarili ko at hinahayaan ko maging ganito. Disiplina din kasi sarili ang kailangan. At ang ginagawa ko din hindi ko na nirerewardan sarili ko ng pagkain. Pwede naman ako maging masaya lang naman at bumili ng damit o kung ano man, bat kailangan pagkain pa? Pwede rin ipunin ko nalang diba? At pag malungkot ako, imbes na kumain ako, ginagawa ko nagbblog nalang ako, bat kailangan idaan ko talaga sa kain? Haha so yun nga, lahat ng to narealize ko last month lang. Lol kaya pagbigyan niyo na ako.

At totoo nga pala na magt-3 weeks na ako hindi nagffries. Challenge ko din sa sarili ko na never na ako magffries ever. Grabe kaya calories non. At ang hirap talaga pag nagcheat ka sa sarili mo. Sino ba matatalo? Syempre ikaw din diba. Kaya dapat wag dayain ang sarili 😉 Haha!

And para naman maniwala na talaga ako sa mga compliments ng mga tao. Hindi yung nagcocompliment sila na pumayat ako, eh alam ko sa sarili ko na wala naman ako ginagawa eh napasobra pa nga kain ko eh. Tapos ittake ko pa yung compliment niya. Para this time, sana totoo na talaga. Yung maniniwala na talaga ako kasi alam ko totoo, kasi may ginagawa naman talaga ako. And para naman mas deserve ko yung mga pinagsasabi nila diba? 🙂

And oo mahirap nga, pero kung gusto mo naman kasi talaga mangyari, syempre sakripisyo din. Isipin mo nalang na maganda naman yung kalalabasan after.

At hindi rin ako nagpapapayat para sa summer, para to sa buong buhay ko. Haha!

& I promised myself NO FRIES FOR A YEAR. So yeah let’s do this. I started lang nung Feb 25, 2012.

So para sa iba na gusto na din magpapayat: Start now, not tomorrow.