Discipline is the key

I’m actually disciplining myself. And yes, I wanna lose weight. Lose weight for me, not for you or for the guy I liked or for anyone, just for me. I just like it na it came from me. I mean the decision. I don’t like it kasi when it came from another person to go on a diet and exercise and all that shit. Man, don’t tell me what to do. I’ll do what I wanna do and when I wanna do it. Just wait for it. Lol. So here I am doing eveything I can just to lose weight. Calorie counting, drink a lot of water, eating healthy, drink a lot of water, no more junk foods, drink a lot of water, exercise every morning for almost a month and drink a lot of water hahaha. I just wanna share it to you guys. I’m really proud of myself. Hihi syempre may progress naman kasi.

Ayoko na kasi, nakakasawa na din. Complaining na super taba ko and doing nothing about it. It’s just plain stupid. Pero una din kasi, excuse ko, mahal ko sarili ko, kahit ganito ako dapat mahal ko pa din sarili ko, so thinanggap ko nalang din. Pero syempre napa-isip ulit ako na kung mahal ko talaga sarili ko, edi dapat magpaka-healthy ako. Hindi yung ginagago ko nalang sarili ko at hinahayaan ko maging ganito. Disiplina din kasi sarili ang kailangan. At ang ginagawa ko din hindi ko na nirerewardan sarili ko ng pagkain. Pwede naman ako maging masaya lang naman at bumili ng damit o kung ano man, bat kailangan pagkain pa? Pwede rin ipunin ko nalang diba? At pag malungkot ako, imbes na kumain ako, ginagawa ko nagbblog nalang ako, bat kailangan idaan ko talaga sa kain? Haha so yun nga, lahat ng to narealize ko last month lang. Lol kaya pagbigyan niyo na ako.

At totoo nga pala na magt-3 weeks na ako hindi nagffries. Challenge ko din sa sarili ko na never na ako magffries ever. Grabe kaya calories non. At ang hirap talaga pag nagcheat ka sa sarili mo. Sino ba matatalo? Syempre ikaw din diba. Kaya dapat wag dayain ang sarili 😉 Haha!

And para naman maniwala na talaga ako sa mga compliments ng mga tao. Hindi yung nagcocompliment sila na pumayat ako, eh alam ko sa sarili ko na wala naman ako ginagawa eh napasobra pa nga kain ko eh. Tapos ittake ko pa yung compliment niya. Para this time, sana totoo na talaga. Yung maniniwala na talaga ako kasi alam ko totoo, kasi may ginagawa naman talaga ako. And para naman mas deserve ko yung mga pinagsasabi nila diba? 🙂

And oo mahirap nga, pero kung gusto mo naman kasi talaga mangyari, syempre sakripisyo din. Isipin mo nalang na maganda naman yung kalalabasan after.

At hindi rin ako nagpapapayat para sa summer, para to sa buong buhay ko. Haha!

& I promised myself NO FRIES FOR A YEAR. So yeah let’s do this. I started lang nung Feb 25, 2012.

So para sa iba na gusto na din magpapayat: Start now, not tomorrow.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s